Isusunod na ng pamahalaan na isailalim sa rehabilitasyon ang Siargao.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, pinaplantsa na ng gobyerno ang ilalatag na plano para sa nasabing surfing destination.
Tiwala naman ang kalihim na mas magiging madali ang paglilinis sa Siargao dahil bukas makipagtulungan ang mga stakeholders sa lugar.
Bukod dito, sobrang “Environmentally Conscious” din aniya ng mga tao sa Siargao at sumusunod ang mga ito sa easement rule na nagbabawal sa pagtatayo ng mga istruktura malapit sa baybayin.
Nauna nang isinailalim sa rehabilitasyon ang Boracay, Manila Bay habang ininspeksyon na rin ng Puerto Galera, Bohol, El Nido at Coron sa Palawan.
Facebook Comments