Siguridad sa Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2020, all set na

Kalibo, Aklan — All set na ang ginawang security preparations para sa Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2020.
Ayon kay PLCol. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP na humigit-kumulang 1, 700 na mga pulis ang ipapakalat sa mga strategic areas para masiguradong ligtas ang festival zone.
Kahapon ay dumating na sa Aklan PPO ang kalahati sa nasabing numero ng mga pulis kung saan nakahanda na itong i-deploy sa mga lugar na malapit sa festival zone bago pa man ang Enero 18 at 19.
Dagdag pa ni Mepania, na ang Site Task Group AtiFest ay nag establisar na rin ng 18 police assistance centers at police screening areas sa mga main at secondary festival zones.
Ipinagbabawal rin ang pagdala ng backpack, kutsilyo, mga de boteng inumin at iba pang bagay na magiging banta sa siguridad ng selebrasyon.
Suspendido rin ang permit to carry para sa mga gun holders na magsisimula Enero 13 hanggang Enero 20, ibig sabihin bawal ang pagdala ng baril maliban lamang sa mga otoridad.
Bawal din ang pag-display ng double-meaning placards at paninigarilyo sa public places. Nakahanda anya ang mga kapulisan na arestuhin ang mga violators ng local ordinances.
Maglalagay rin ng mga checkpoints at boarder control sa lugar na papasaok sa bayan nga Kalibo na pangungunahan ng PNP at Philippine Army.
Samantala, nagpaalala rin naman ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Kalibo na magkakaroon ng signal jam o mawawalan ng signal ang mga cell phones sa Enero 18 at 19 sa mga piling lugar partikular ang malapit sa festival zones para maiwasan ang anumang terroristic threat.

Facebook Comments