Kinalma ng palasyo ng Malacanang ang mga taga Simbahang Katolika at sinabing huwag matakot sa pamahalaan.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang dapat ikatakot ang mga pari sa administrasyon dahil kaisa sila ng mga ito sa paglaban sa kasamaan sa lipunan.
Sinabi ni Panelo na ang dapat matakot ay ang mga criminal, mga tiwali sa pamahalaan, mga drug lords at mga terorista pero walang dapat ikatakot ang mga taga simbahan.
Binigyang diin ni panelo na hinding hindi papayag si Pangulong Duterte na masaktan ang mga taga simbahan at ang mga sinasabito laban sa mga pari ay pawang mga figure of speech lamang o hyperbole at minsan ay mga biro lang.
Posible aniya na ang mga pagbabanta sa buhay ng mga pari ay mula sa mga Anti-Duterte trolls o mga personal na kaaway ng mga ito.
Dag-dag pa ni panelo, ginagamit lang ng mga taga oposisyon ang issue para sirain ang popularidad ni Pangulong Duterte.
Simbahan hindi dapat matakot sa administrasyon ayon sa Malacanang.
Facebook Comments