Habang papalapit ang tag-init, isa sa mga maaaring pasyalan ng mga turista at residente ang Simminublan Falls na matatagpuan sa bayan ng Santol, La Union.
Kilala ang Simminublan Falls sa malamig at malinaw nitong tubig na nagbibigay ng preskong pakiramdam, lalo na kapag mainit ang panahon.
Napapalibutan din ito ng luntiang kapaligiran na nagbibigay ng tahimik at natural na ambience para sa mga bumibisita.
Bukod sa paglangoy, maaari ring mag-enjoy ang mga turista sa pagkuha ng litrato, pagrerelax, at pag-appreciate sa likas na ganda ng talon.
Dahil dito, nagiging alternatibong destinasyon ito para sa mga nais makaiwas sa matataong beach at naghahanap ng kakaibang karanasan sa kalikasan ngayong papalapit ang summer.
Paalala naman sa mga bibisita na panatilihing malinis ang lugar at sumunod sa mga alituntunin upang mapangalagaan ang kalikasan at manatiling kaaya-aya ang Simminublan Falls para sa mga susunod pang bisita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








