Simula ng Inter-Regional COA Sports Fest, Naging Maayos!

Cauayan City, Isabela- Naging maayos ang pagsisimula ng ika-10th Luzon Commission on Audit Inter-Regional Sporstfest nitong Marso 2, 2020 sa City of Ilagan Sports Complex.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Ricky Laggui, focal person ng COA sports fest, walang nangyaring aberya mula sa opening ceremony hanggang sa kasalukuyan dahil na rin aniya sa pakikipagtulungan ng bawat isa at pagbibigay seguridad ng kapulisan.

Makikita aniya na talagang pinaghandaan ng bawat delegado ang naturang palaro at nagkaroon ng magandang samahan na kahit sila’y magkakalaban.


Tinatayang nasa 1,750 ang mga atletang kalahok na mula sa iba’t-ibang rehiyon na kinabibilangan ng Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V at CAR.

Magtatagisan ang mga ito sa larangan ng larong basketball, volleyball, badminton, lawn tennis, billiards, chess, dart at iba pang laro.

Hinihikayat naman ni Ginoong Laggui ang lahat ng mga gustong manood at mag-jamming na bumisita lamang sa Lungsod upang masaksihan ang kanilang mga isinasagawang aktibidad na magtatapos sa Marso 6, 2020.

Facebook Comments