Mariing kinondena ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagmasaker sa siyam na sugarcane workers sa Negros Occidental.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, maituturing itong sabotahe sa mga hakbang ng Duterte administration lalo na sa pagsusulong ng disenteng trabaho at maayos na pamumumuhay sa mga Pilipino.
Nitong Sabado, siyam na magsasaka ang pinatay sa Hacienda Nene sa Barangay Bulanon, Sagay City.
Nangyari ang insidente matapos magsagawa ang mga biktima ng ‘bungkalan’ sa hacienda.
Facebook Comments