SINGIL SA KURYENTE, BUMABA NGAYONG NOBYEMBRE

Inanunsyo ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) na bumaba ang average selling rate ng kuryente ngayong Nobyembre sa ₱7.95 kada kilowatt-hour (kWh), kumpara sa ₱9.21/kWh noong nakaraang buwan.

Ayon sa DECORP, ang pagbaba ng singil ay bunsod ng mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), kung saan nakabatay ang presyo sa supply at demand.

Nakatulong umano ang paggaan ng presyo sa WESM upang mabalanse ang bahagyang pagtaas ng Transmission Rate mula sa NGCP.

Tinatayang ang karaniwang pamilyang kumokonsumo ng 100 kWh kada buwan ay makakatipid ng humigit-kumulang ₱1.26/kWh sa kanilang electric bill ngayong buwan.

Nanatiling hindi naman gumagalaw ang Distribution, Supply, at Metering charges ng DECORP mula pa noong 2015.

Gayunpaman, pinaalalahanan ng kompanya ang publiko na patuloy na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya upang mas mapababa ang konsumo.

Hinikayat din ng DECORP ang mga customer na magbayad ng kanilang bills sa oras upang maiwasan ang posibleng service interruptions. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments