SINGITAN SA KALSADA, DAHILAN NG MABIGAT NA TRAPIKO SA BINMALEY

Handang handa na ang Binmaley Police Station sa nakaambang responsibilidad sa pagtitiyak ng kaligtasan at kaayusan sa buong bayan ngayong holiday season.

Sa eksklusibong panayam kay Officer-in-Charge PLtCol. Lister Saygo, personal nang naobserbahan ng himpilan ang mga bahagi na pinagmumulan ng traffic build up partikular sa Nansangaan Road sa Brgy. Biec, na kadalasan ay diretso hanggang pagbaba ng Manat Bridge at Naguilayan Junction.

Nakatakdang ipresenta ang mungkahing paglalagay ng barikada hanggang sa Brgy. Biec para iisa lamang ang pila ng mga sasakyan at maiwasan ang mga nagka-‘counterflow’ na kadalasan umanong dahilan pa ng mabagal na daloy ng trapiko.

Tatalakayin pa ang naturang plano sa lokal na pamahalaan upang pormal na maipatupad pagpatak ng holiday rush kung kailan inaasahan ang pagdoble sa dami ng mga sasakyan na dumadaan sa Binmaley na nagsisilbing tulay sa Lingayen at Dagupan.

Ngayong Pasko at Bagong Taon, nasa 60 personnel ang idedeploy upang tiyakin ang kabuuang operasyon sa mandatong panatilihin ang kaligtasan ng mga residente.

Panawagan ng opisyal sa publiko at motorista ang pang-unawa at kooperasyon upang maging matiwasay ang pagdaraos ng mga selebrasyon.

Facebook Comments