SISIBAKIN | Pagsibak sa tungkulin sa isang opisyal ng LTO sa Tarlac na sangkot sa illegal drugs, ipinag utos na ni DOTr Secretary Arthur Tugade

Tarlac City – Ipinasisibak na ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade kay LTO Chief Edgar Galvante ang officer in charge ng LTO sa Tarlac dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Kasunod ito ng pagkaaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Tarlac Police kay LTO Tarlac OIC Rodel Yambao sa isang drug operation sa kanyang bahay sa Barangay San Roque, Tarlac noong Miyerkules.

Sa nasabing operasyon, nakakuha ang mga otoridad ng 9 na sachets ng pinaghihinalaang shabu, isang hand grenade, at mga bala ng baril.


Si Yambao, na kabilang sa listahan ng PNP at PDEA bilang isang high value target ay kasalukuyang nasa police custody at nahaharap sa mga kaso kaugnay sa illegal drugs at illegal possession of firearms at ammunitions.

Pinabusisi din ni Tugade kay Galvante ang profile ni Yambao at sampahan ng kaso kung nasasangkot ito sa kurapsyon sa panahon ng kanyang termino.

Facebook Comments