Smoking Cessation Program at Smoke Free Task Force nakatakdang bubuoin sa Surigao City. Ito’y bilang pagsunod sa ipinapatupad na Smoking Ban sa buong Pilipinas. Ayon kay Surigao City Vice Mayor Alfonso Casurra, may Anti-Smoking Ordinance nang ipinasa noong 2004 ang Sangguniang Panlungsod ngunit hindi naipatupad. Sa bagong Smoking Ban diumano’y ang lahat ng pampublikong lugar ipinagbabawal na ang paninigarilyo. Gaya rin sa buong City Hall, ito’y Non-Smoking Area lalo na ang lahat ng mga paaralan, kasama na rito ang Public Market, Terminal at Luneta Park. Sa mga naninigarilyong kawani, maglalagay sila ng iilang designated Smoking Area, sa SP Bldg. ang roof deck ang posibleng matukoy. Binigyangdiin na nakalagay sa Smoking Ban ang mas malaking penalty, sa 1st Offence P500 hanggang P1,000, 2nd Offence P1,000 hanggang P3,000 at 3rd offence mula P3,000 hanggang P5,000. Dagdag pa, ang pribadong mga establisemento ang saklaw rin sa Smoking Ban ngunit pinahihintulutan itong maglagay ng Smoking Area na kung saan ang usok ng sigarilyo kailangay paitaas ang direksiyon nang hindi malanghap ng ibang tao.
Sent from my iPhone