Speaker Alvarez, tikom pa rin sa mga binitawang salita sa kanya ni Atty. Anderson ng BOC

Manila, Philippines – Ayaw pang magkomento ng kampo ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay sa pagtawag sa kanya na “imbecile” o stupidong tao ng Chief of Staff ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon na si Atty. Mandy Anderson.

Tikom din si Speaker sa ibinunyag ni Anderson na kaya siya pinagiinitan ay dahil hindi napagbigyan ang hiling ni Alvarez na i-promote ang isang taga-BOC.

Nauna dito ay hindi nagustuhan nila House Majority Leader Rodolfo Fariñas at ng mga mambabatas ang facebook post ni Anderson na tinatawag na imbecile ang speaker.


Ito pa nga ang isa sa dahilan kaya nagbanta si Marikina Rep. Miro Quimbo na tanggalan ng budget ang BOC sa 2018.

Bagamat humingi ng paumanhin si Anderson sa mga kongresista pero wala itong direktang pag-so-sorry kay Alvarez.

Facebook Comments