SOCA ni Mayor Guiani Syadi ibinida ang maraming accomplishment sa 2017

*Pagkamit ng maraming award , paglago ng investment,pagtaas ng revenue at annual budget, at pagbaba ng crime rate ang ilan lamang sa ibinida kanina sa State of the City Address ni Cotabato City Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi.*
*Inihayag ni mayor Cyn na naging produktibo at naging maganda para sa lungsod ang 2017, maraming investor ang pumasok, ang employment rate tumaas at maraming infrastruction improvement at bumuti ang peace and order situation.*
*Sinabi din ni Mayor Cyn na tumaas ng 22.79% ang income ng pamahalaang lungsod na pinakamaas na pagtaas sa kasaysayan ng cot.city….*
*Last year ay lumaki din ang budget ng siyudad na nakapagtala ng 872,142,947, milyon, at ngayon 2018 ay tumaas pa ito na umaabot nasa 935,815,246 milyon pesos…Ayon kay Mayor Guiani Sayadi na baka sa susunod na taon ay bilyon na ang annual budget ng lungsod.*
*Bago ang SOCA ni mayor ay nagreport muna si city vice mayor Graham Nazer Dumama ng kanyang Legislative report na ibinida ang kanilang nagawang mga ordinansa ng 15th Sanggunian Panlungsod.*
*Pinasalamatan naman ni mayor Cyn ang lahat ng stakeholders,mga cotabatenyo,mga kasamahan sa trabaho sa napagtagumpayan nila sa nakalipas na taon.*

Facebook Comments