Solano, sinampahan na ng patong-patong na kaso

Manila, Philippines – Sinampahan na ng Manila Police District ng kaso sa Department of Justice (DOJ) si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay sa hazing ni University of Santo Tomas (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III.

Kasong murder, robbery, obstruction of justice, paglabag sa Anti-Hazing Law, at perjury ang isinampa ng MPD laban kay Solano.

Isinailalim na rin si Soriano sa inquest proceedings sa DOJ.


Kasama ng mga tauhan ng MPD na naghain ng kaso sa DOJ ang mga magulang ni Atio na sina Horacio II at Carmina.

Si Solano, isa sa mga miyembro ng Aegis Juris na nagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital.

Facebook Comments