Monday, September 7, 2026

Solid waste management system ng Marikina, ininspeksyon ni PBBM

Nagsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa solid waste management system ng Marikina City ngayong araw.

Sinuri ng pangulo ang pagpapatupad ng “No Segregation, No Collection” na nakabatay sa City Ordinance No. 046, Series of 2002, na nag-uutos sa paghihiwalay ng biodegradable at non-biodegradable waste.

Matapos ang aktibidad sa Marikina, tutungo naman ang pangulo sa Lipa City, Batangas para sa pagbisita sa Lipa-Malvar Estate Development, Batangas State University Lima Campus at unang anibersaryo ng Global Technical Center of Excellence.

Facebook Comments