SONA 2018 | PSG may panawagan sa mga empleyado ng Kamara at Senado

Manila, Philippines – Umapela ang pamunuan ng Presidential Security Group o PSG sa lahat ng mga mayroong Identification O ID Cards para sa darating na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipost sa social media ang mga hawak na IDs.

Paliwanag ng PSG, ito ay upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang loob na makopya ang mga IDs at makapasok sa Batasan sa darating na Lunes at maging posibleng banta sa seguridad.

Ngayon palamang ay nakalatag na ang mahigpit na seguridad sa loob at labas ng batasan at magpapatuloy ito hanggang matapos ang SONA ng Pangulo.


Magpapatupad naman ang lahat ng Security forces partikular ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa Lunes bilang pagsunod narin sa utos ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments