PINSALA | Iniwang pinsala ng bagyong Henry at bagyong Inday umabot sa mahigit P5-M

Aabot sa mahigit limang pisong halaga ang iniwang pinsala ng bagyog Henry at Bagyong Inday sa sektor ng agrikultura.

Batay ito sa ginawang assessment ng National Disaster Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga napinsalang pananim ay namonitor sa apat na bayan ng Occidental Mindoro ito ay ang San Jose, Magsaysay, Abra de Ilog at Mamburao.


Apektado rin ang mga pananim sa Murcia Negros Occidental.

Kabuuang 152 na mga bahay naman ang nasira sa Morong Bataan, Olongapo Zambales at Bago City sa Negros Occidental dahil sa bagyong Henry, bagyong Inday at Habagat.

Walo sa mga nasirang bahay ay totally damaged habang 144 ay partially damaged.

Facebook Comments