South Cotabato, nakapagtala ng 28 kaso ng tigdas.

Nakapagtala ng 28 kaso ng tigdas ang Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office ng South Cotabato mula Enero 1 hanggang Pebrero 8 ng kasalukuyang taon.
Nasa edad 5 buwan ang pinakabata na biktima ng nasabing sakit at 40-anyos naman ang pinakamatanda.
Lumalabas din sa datos ng IPHO na 21 o 75% ng kaso ang hindi nabakunahan laban sa nasabing sakit.
Mula naman sa bayan ng Polomolok ang may maraming kaso na umabot sa 16, sinundan naman ng Koronadal City na may apat, Norala may tatlong kaso, Tampakan at Banga may tig-2 kaso at isa naman sa bayan ng Surallah.
Wala namang naitalang kaso ng tigdas sa mga bayan ng Tantangan, Tupi, Lake Sebu at T`boli.
Kaugnay nito, ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr., Provincial Health Officer ng South Cotabato mahigpit nilang binabantayan ang kaso ng tigdas sa lalawigan upang maiwasan na may mamatay sa nabanggit na sakit.
Hinihikayat naman nito ang mga magulang na pabakunahan laban tigdas ang mga bata.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments