Thursday, February 12, 2026

SP Tito Sotto, piniling idaan na lamang sa hindi pagpatol at pang-iinis ang panibagong patutsada ng Chinese Embassy

Idinaan na lamang ni Senate President Tito Sotto III sa hindi pagpatol at pang-iinis ang panibagong tugon sa kanya ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng.

Ayon kay Sotto, kapag may taong inuudyukan kang magkomento sa kanyang sinabi ngunit hindi mo ito pinatulan, maaari itong ituring na pagiging “annoying” o pang-iinis.

Giit ng Senate president, sa pagkakataong ito ay mas pinili niyang maging “annoying” o mang-inis kaysa patulan ang isyu.

Sa panibagong pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Embassy, sinita nito ang Senate president at tinanong kung sino sa kanila ang walang respeto, matapos umanong murahin ng ilang senador ang mga Chinese diplomat at tawagin ang mga itong bully, bad guest, at troll farm.

Ayon pa sa pahayag, madalas umanong sabihin ng mga senador na pinatatahimik sila ng Chinese Embassy, ngunit iginiit ng embahada na wala silang layuning patahimikin ang sinuman.

Anila, ang mga senador pa ang paulit-ulit na nagbabanta at nananakot laban sa kanila.

Facebook Comments