Special task force na mag-iimbestiga sa pagmatay ng negosyanteng nasawi matapos sumailalim sa multiple surgeries sa Mandaluyong, binuo ng EPD

Manila, Philippines – Bumuo na ng special task group ang Eastern Police District para imbestigahan ang pagkamatay ng 29-anyos na negosyanteng nasawi matapos na sumailalim sa tatlong cosmetic surgeries sa Mandaluyong city.

 

Ayon kay EPD director chief supt. Romulo Sapitula – ang Special Investigation Task Group Shiryl Saturnino ay bubuuin nina Deputy Director for Operations Senior Supt. Marcelino Pedrozo, Mandaluyong Police Chief Senior Supt. Joaquin Alva at dalawang doktor mula sa Philippine National Police o PNP Crime Laboratory.

 

Magpapatulong din sila sa isang team ng medical experts para matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan o anumang pagkakamali ang the icon clinic.

 

Layon din nitong malaman ang epekto ng pagsasagawa ng multiple surgeries at kung normal lang bang gawin ito nang madaling araw.



Facebook Comments