Higit 100% taas-singil sa tubig, posibleng ipatupad matapos bawiin ang extension ng Water Concession Agreement

Posibleng tumaas ng higit 100% ang taas-singil sa tubig.

Ito ang babala ng Maynilad at Manila Water matapos kanselahin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang extension ng Concession Agreements.

Ayon kay Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez, malaki ang magiging epekto ng pagkansela sa pagpapalawig ng Water Concession Agreement sa pagtatakda ng singil sa tubig.


Sinang-ayunan din ito ni Manila Water Board Member Antonio Aquino sa sinabi ni Fernandez.

Una nang sinabi ni MWSS Deputy Administrator Leonor Cleofas na nagdesisyon ang kanilang board noong December 5 na bawiin ang kanilang resolusyon sa pag-apruba sa extension ng Concession Agreements ng dalawang Water Concessionaire.

Facebook Comments