SPOTTED | Vice Ganda at Calvin Abueva, usap-usapan sa social media matapos makitang magkasama sa isang bar

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang TV host na si Vice Ganda at PBA player na si Calvin Abueva.

Nabatid kasi na spotted ang dalawa na nag-e-enjoy ng kanilang night life sa isang bar hindi pa malamang lugar.

Ilan naman sa mga netizens ang nagsasabing nasa Boracay ang dalawa lalo na isang video ang ipinost ni Vice na kasama niya ang kaniyang nanay sa beach.


Matatandaan na naging vocal sa kanilang close relationship sina Vice at Calvin pero aminado sila na malapit lang silang magkaibigan.

proud din si Vice kay Calvin dahil hindi daw ito nahihiya na ipakita sa lahat ang kanilang pagkakaibigan hindi daw tulad ng iba niyang kaibigan na basketball player.

Facebook Comments