Kasabay ito ng ikinasang kampanya kontra sa mga delinquent employers sa pamamagitan ng Run After Contributions Evader Campaign ng SSS sa Lungsod ng Cauayan at sa bayan ng Reina Mercedes.
Sa ikalimang bugso ng RACE Campaign ng SSS sa Lalawigan ng Isabela nitong Biyernes, nasa apat na mga employers na hindi nagbabayad ng kontribusyon at hindi nagrereport ng mga empleyado ang personal na binisita ng grupo para abutan ng sulat at sila ay binibigyan na lamang ng labinlimang (15) araw para makapag-comply.
Sakali namang hindi sumunod sa Order ang isang nakausap na delinquent employer ay sasampahan na ito ng kaukulang kaso.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang lahat ng mga employer na gawin ang mga obligasyon at responsibilidad sa mga empleyado sa pamamagitan ng pagsunod sa mga probisyon sa ilalim ng Social Security Act of 2018 o ang Republic Act no. 11199 para maiwasan ang mga nasabing problema o penalty.
Sa kasalukuyan, mayroong PRRP 3 o enhanced installment program ang SSS na maaaring applayan ng mga delingkwenteng employer o may mga balanse at penalty sa SSS na magtatagal lamang hanggang November 22, 2022.