PITONG BARANGAY SA DAGUPAN CITY NASA WATCHLIST NG CHO DAHIL SA NAITALANG AKTIBONG KASO NG COVID-19

38
Pitong barangay sa Dagupan City ang nasa Watchlist ngayon matapos makapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.
Kabilang dito ang Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, Caranglaan, Herrero-Perez, Lucao, Pantal at Tapuac.
31 na ang active cases ngayon ang lungsod kasunod ng dalawang kaso na naidagdag.
Dahil dito, umakyat na sa 6889 ang kabuuang COVID-19 case na naitala sa lungsod simula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.

Umaasa naman ang kanilang tanggapan na bababa muli ang COVID-19 Infection sa lungsod kasabay ng paalala sa mga residente na sumunod sa Public Health Standards at tangkilikin ang nagpapatuloy na vaccination rollout laban sa virus.
Pawang nasa ospital at tahanan lamang ang mga dinapuang pasyente na karamihan ay mga mild at moderate cases lamang. |ifmnews 
Facebook Comments