Cauayan City, Isabela- Nananatiling COVID-19 free hanggang ngayon ang bayan ng Sta. Teresita sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Mayor Rodrigo De Gracia , isa sa istratehiya na ginawa ng lokal na pamahalaan ay ang ‘hamleting’ o hindi basta-basta pagpapasok sa mga barangay kung ang isang tao ay hindi ligtas sa banta ng COVID-19.
Inatasan naman ng alkalde ang paglalatag ng checkpoint sa lahat ng barangay bawat purok para masigurong ligtas ang mamamayan sa posibleng pagkalat ng virus.
Tiniyak naman ng punong-bayan na nananatiling malakas ang ekonomiya ng kanilang lugar sa kabila ng krisis dahil sa pandemya.
Matatandaang ipinagmamalaki ng bayan ang natatanging ganda ng turismo pagdating sa mga bagong atraksyon gaya ng kweba.
Siniguro din ng opisyal na naibibigay ang lahat ng tulong para sa publiko mula sa pamahalaan.