Makato, Aklan— Nanginginig sa takot ang isang staff ng Department of Social Welfare and Development matapos pagbantaang papatayin ng isang mister sa Brgy. Baybay Makato kahapon ng hapon.
Ayon kay Mrs. Donna Quiel DSWD Municipal link 42 anyos residente ng Pob. Makato na pinagbantaan ito ng suspek na si Peter Fontillas residente ng nasabing lugar na itoy papatayin.
Nangyari umano ang insidente habang nagsasagawa ito ng validation at kasalukuyang kausap si Lizel Undang sa pamamahay ni Niela Fontillas tungkol sa Social Amelioration.
Pinapaliwanag ng biktima kay Lizel na hindi na maaring maging benificiary ang pamilya nito sapagkat kabilang na sila sa 4ps.
Nasa labas umano ang suspek at nakikinig sa kanilang usapan at bigla na lamang itong nagbanta na kanyang papatayin.
Dahil sa takot ay agad na umalis ang biktima at nagpasaklolo sa mga kasamahan.
Naaresto kagabi ng mga kapulisan si Fontillas at posibleng mahaharap sa kaukulang kaso.
Nabatid na nakarating na sa tanggapan ng Provincial link ng DSWD at maging sa Regional Office ang nangyaring insidente kung saan pinaghahandaan na ang kaukulang legal na hakbang.
Staff ng DSWD na nagsasagawa ng validation para sa Social Amelioration Program pinagbantaang papatayin.
Facebook Comments