Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magpadala ng karagdagang pwersa sa Albay kung kakailanganin.
Ito’y kasunod pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, handa ang Reactionary Standby Support Force ang PNP na ide-deploy sakaling magkaroon ng emergency.
Sa ngayon kasi ay pinalawig pa ng Albay government sa 7km ang danger zone sa Mayon dahil sa nagpapatuloy na abnormalidad nito.
Sa ngayon ani Fajardo, nakakalat na ang 800 police personnel ng PNP sa Albay.
Nakapuwesto aniya ang mga ito sa mga itinalagang public school buildings, evacuation centers, at mga istratehikong lugar sa Albay.
Giit pa ni Fajardo, tinututukan nila ang kaligatasan ng evacuees at mga residente na malapit sa danger zone kaya nag-deploy na sila ng mga pulis mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.