Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito’y dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng Bagyong Chedeng.

Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw ay ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) Express Flight 2P 2932 na biyaheng Manila patungong Basco.


Gayundin ang PAL Express Flight 2P 2933 na biyaheng mula Basco at pabalik ng Maynila.

Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa karampatang rebooking o refund sa kanilang mga biyahe.

Facebook Comments