STANDING OVATION | Actor Robert De Niro, umani ng paghanga sa ginawa nitong pagmumura kay US President Donald Trump

34

New York City – Hinahangaan ngayon ang Hollywood actor na si Robert De Niro sa ginawa niyang pagmumura kay US President Donald Trump sa ginanap na Tony Awards sa New York City.

Nasabi ng beteranong actor ang pagmumura nang tawagin para magtanghal si Bruce Springsteen.

Kaniya-kaniyang naman reaksiyon ang mga netizens matapos na inilabas ang nasabing video kung saan marami ang sumuporta sa ginawa nito.

May ilan naman ang nagulat dahil binigyan pa ito ng standing ovation sa kaniyang ginawa at tingin ng iba na walang takot ang actor na isa sa mga kritiko ni President Trump.

Facebook Comments