State of the art Thermal Imaging Scanners inilagay sa Kalibo International Airport at Caticlan Jetty Port

Kalibo, Aklan— Naibigay na sa pamunuan ng Kalibo International Airport at Caticlan port ang Thermal Imaging Scanners na gagamitin ngayong panahon ng pandemic. Pinangunahan ni Aklan 2nd District representative Teodorico Haresco Jr. ang naturang programa kung saan kasabay rin nito ay ang pagbibigay ng karagdagang digital thermometers. Aniya na unang nagkaroon ng state of the art scanner ang lalawigan sa boong bansa na may karagdagang features kagaya ng facial recognition. Galing umano ang nasabing equipment sa bansang Sweden kung saan nabigyan rin ang Davao International airport subalit walang facial recognition capability. Malaking tulong umano ang nasabing uri ng teknolohiya para sa contact tracing dahil agad nakokolekta ang datus sa temperatura ng mga pumapasok na pasahero at kaya nitong macapture ang facial features ng isang tao kahit may suot pa itong facemask. Samantala kina-usap umano ni Cong. Haresco si Transportation Secretary Art Tugade tungkol sa posibleng pagresume ng mga domestic flight sa paliparan. Paghahanda umano ito sa unti unting pagbubukas ng ekonomiya sa buong bansa kung saan tourism industry ang pangunahing pinagkikitaan ng lalawigan dahil sa isla ng Boracay. Sa ngayon isasailalim sa training at orientation ang ilang staff sa Kalibo International Airport para sa pag operate ng makabagong kagamitan. Dumalo rin kahapon sa nasabing aktibidad si CAAP Manager Eusebio Monserate ng KIA, mga opisyal ng probinsiya at si Mr. Michael Cornelio Christopher Pacia ng Jaime V. Ongpin Foundation. Ang proyektong multi million thermal imaging scanners ay sinuportahan rin ng Lucio Tan Group.

Facebook Comments