"STUPID PALA KAYO, EH!!! // Hot-Headed School Admin Alexander James Jaucian, Iniutos na Sunugin ang mga Backpacks ng mga Estudyante

“STUPID PALA KAYO, EH!!!” Ito ang isa sa mga pagmumura ni Bicol Central Academy School Administrator Alexander James Jaucian habang pinapasunog niya sa isang empleyado ang mga kagamitan – backpacks with wallets, atms, laptop, cellphones at iba pang mga gadgets – ng mga estudyante. Naganap ang insidente kahapon sa premise mismo ng nasabing eskwelahan sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.
Ayon sa report, uminit umano ang ulo ni Jaucian nang makitang may mga backpacks ang mga estudyante sa kabiula ng kanyang bilin na huwag magdala ng malalaking bags, pwede maliit na bags lamang, dahil naatasan silang humaliling magturo sa mga grade school students habang nasa DEpEd seminar ang mga guro na isinagawa sa isang classroom din sa nasabing eskwelahan.
Nang makita ni Jaucian na nasa isang classroom na itinalagang ‘waiting area’ na-high-blood ang administrador. Isang estudyante ang nakapagsabi na sinabi daw ni Jaucian na ‘pwede naman daw magdala ng maliit na bag, yong maliit lang na pwede paglagyan ng cellphone, hindi backpack kasi PANGIT daw tingnan na magtuturo na naka-business attire tapos may dalang backpack.’
Lalo pa umanong nag-alburuto ang dugo sa ulo ni Jaucian nang may makasalubong siyang naka-maong tapos naka rubber shoes, taliwas sa napag-usapang attire. Nilinaw ito ng estudyanteng naka-maong na may permiso naman daw ang suot niya dahil naka-toka naman siya sa maintenance ng araw na yon.
Nasa tinatayang 3 sakong kagamitan ng mahigit 20 students ang pinasunog ni Jaucian.
Nang may gadget na sumabog sa mga kagamitang pinasusunog, sinikap umanong apulahin ang apoy subalit pumalya ang fire extinguisher. Narinig din umano ng mga estudyante ang sinabi ni Jacian na ‘huwag kayong gumalaw, ginusto niyo yan, welcome to BCA (Bicol Central Academy).’
Viral ngayon sa FB ang video at photos kaugnay ng nasabing pangyyari.
Si School Administrator Alexander James Jaucian ay dating municipal councilor at incumbent Board Member din ng Probinsiya ng Camarines Sur.
Ayon din sa post ni Kylliiee Panuelos: I’m not a victim. We admit na may mali kami. But there’s always a reason. Yung mga student na nasunugan ng gamit halos lahat malayo ang mga bahay. And the only reason kaya may dala silang backpack ay para hindi na sila umuwi ng lunch. Kasi in the afternoon may nakasched din kami na gagawin namin para sa projects namin. And dahil naka business attire kami (dress, heels and etc.) kailangan namin ng pamalit. That’s why may dala silang backpack. Kawawa naman sila, umuwi sila ng walang wala.
Siguro acceptable pa kung tinapon lang sa basurahan. Pero hindi eh, sinunog pa. We can accept all those punishments para sa kasalanan na nagawa namin. Pero sana next time wag nang ganto.
We are just students. Pero alam din naman namin ang karapatan namin. Those laptops, cellphones, bags and other things na nasunog ay pinaghirapan ng mga parents. Hindi yun mabibili with just a snap of a finger.
Hindi ako hater. Gusto ko lang na malaman din ng iba ang point of view naming mga student.
photocredit kylliiee panuelos

Facebook Comments