Ilang bahagi ng Cotabto city ang nakakaranas ngayon ng mahinang daloy ng tubig hanggang sa kawalan ng tubig, itoy dahil sa pagsaira umano ng isang Submersible pipeline ng Metro Cotabato Water District sa bahagi ng Dimapatoy pumping station sa DOS Maguindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng MCWD nasi Mam Melinda Barcimo, umaga kahapon ng malaman ng kanilang technician na nagkaroon ng problema ang kanilang isang submersible pipeline sa dimapatoy kung kayat nawalan ng supply ng tubig sa malaking bahagi ng downtown area.
Ilang reklamo mula sa mga taga College area ang ipinarating sa DXMY dahil sampung oras walang dumadaloy na tubig sa kanilang gripo…Sinabi pa ng mga complainant na pasado alas otso na kagbi ng muli silang nagkatubig. Samantala inihayag naman ni Mam Barcimo na bukas pa daw darating ang technician na siyang magkumpuni sa nasirang submersible pipes kung kayat asahan parin ngayon hanggang bukas ang kawalan at mahinang daloy ng tubig sa downtown area.
Submersible pipes ng MCWD nasira
Facebook Comments