Substitution system ng COMELEC, malinaw na inaabuso ng mga kandidato – election watchdog

Inihayag ng isang election watchdog na malinaw na pang-aabuso ang ginagawa ng mga politiko na substitution at withdrawal ng Certificate of Candidacy (COC).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Kontra Daya Convenor Prof. Danilo Arao na patunay lamang ito na pera at kapangyarihan ang nagpapakilos sa politika rito sa bansa.

Inihalimabawa ni Arao ang biglaang paglipat ng mga kandidato ng partido kapag naghain na ng kanilang COC.


Una nang hinikayat ng grupo ang Commission on Elections (COMELEC) na ideklara bilang nuisance candidates ang “placeholder” candidates o ‘yung unang naghain ng COC at saka lamang papalitan ng mga tunay na tatakbo bago ang deadline ng substitution.

Samantala, ayon naman sa political analyst na si Prof. Ramon Casiple, posibleng “placeholder” lamang si Senator Bong Go na unang naghain ng COC bilang pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Facebook Comments