SUMMER: Tourist Spots sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dinarayo

Nagsisimula na ang pagdagsa ng mga turista at mga nature adventurer sa ilang mga Tourist Spot sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao kasabay ng Summer Vacation.

Kabilang sa mga dinarayo ngayong bakasyon ang Kusiong Beach , Blue Lagoon, Sifaran Falls, Dimapatoy Spring at inaantabayan na rin ang muling pagbubukas ng Mt. Minandar sa April 7.

Kaugnay nito nagpapatuloy ang ginagawang inisyatiba ng DOS LGU sa pangunguna ni Mayor Datu Ombra Sinsuat para sa lalong ikakaganda ng mga nabanggit ng mga lugar.


Nagawa na ring makipagpulong ni DPWH ARMM Secretary Don Loong kasama ng kanyang mga opisyales kay Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa maaring mga karagdagang tulong para sa pagpapaganda ng tourist spot sa DOS.

Samantala patuloy rin ang paghikayat ng DOS Tourism Office sa lahat , na tunguhin at mamangha sa yamang hatid ng kalikasan sa kanilang bayan.

DOS TOURISM FB WALL





Facebook Comments