General Santos City—Iginiit ni Police Sr. Supt. Raul Supiter na hindi dapat ikalarma ng mamamayan ng Gensan ang nangyaring sunod sunod na shooting incidents dito sa lunsod na kinasasangkutan ng Motorcycle Riding Criminals.
Ito ang sinabi ni Police Supt. Supiter matapos nagpayahag ng pagkaalarma ang ilang city Councilor ng Gensan dahil sa muling pag-ataki ng mga riding in tandem.
Dagdag pa ni Supiter na isolated case lamang ang nangyayaring pamamaril sa dahil kalimitang mga biktima nito ay involved sa illegal drugs.
Sinabi pa ni Supt. Supiter na ang mga suspek umano sa nasabing pamamaril ay posibling kasamahan lang din ng mga biktima na sangkot sa illegal drugs.
Posibling may onsehang nangyayari sa kanilang grupo kaya may nangyayaring pagpatay.
Iginiit naman ni City Councilor Franklin Gacal na kahit sangkot sa Illegal drugs ang mga biktima dapat pa ring mabigyan sila ng hustisya sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso at pag-aresto sa mga salarin. Napag-alaman na sa loob lang ng dalawang linggo apat na ang binawian ng buhay matapos pinagbabaril.