Manila, Philippines – Nasa isang daang pamilya ang wala ngayong matitirhan makaraang masunog ang isang residential area sa Barangay 849, Zone 93 sa Pandacan, Maynila.
Tinupok ng apoy ang hilera ng mga bahay na nasa eskinita ng ilang-ilang street, na karamihan ay gawa sa light materials.
Nagsimula ang apoy bago mag-alas dyes noong Biyernes ng gabi at umabot sa ikatlong alarma.
Tumagal ng tatlong oras ang sunog bago ito idineklarang fireout sa ganap na 12:57 kaninang madaling-araw.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.
Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa isang basketball court sa barangay.
Facebook Comments