Cauayan City, Isabela – Aktibo pa rin sa pakikibahagi ang BFP City of iIagan sa lahat ng mga programa ng gobyerno at sila rin ay nagunguna sa pagbabantay sa kaligtasan ng City of Ilagan.
Ito ang ibinahagi ni Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, Fire Marshall ng BFP City of Ilagan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.
Aniya, Isa sa kanilang mga isinasagawang hakbang ay ang pagtingin sa kaalaman ng bawat mamamayan ukol sa kanilang kaalaman sa tamang paggamit ng fire Extinguisher at Tinitignan din umano nila ang bawat gusali kung ito ay may fire exit.
Ayon pa kay Fire Senior Inspector Tabingo, mas marami ang naitalang sunog ngayong first quarter ng taon na may naitalang anim na sunog, apat dito ay sa Gamu at dalawa naman sa City of Ilagan, kumpara sa first quarter noong nakaraang taon na may Isa lamang ang naitala sa City of Ilagan.
Subalit aniya, mas malaki ang halaga ng sunog noong nakaraang taon dahil ang mga nasunog ay mga heavy equipment na nagkakahalaga ng dalawang milyon at limampung libong piso samantalang ang kabuuang halaga ng anim na naitalang sunog ngayong taon ay mayroon lamang mahigit 786, 477 pesos dahil ang mga sunog na ito ay kanila ring naagapan.
Malaki rin umano ang naitulong sa kanila ng mga stakeholders at LGU ng City of Ilagan dahil sa kanilang pagsuporta at partispasyon sa kanilang adbokasiya na ipalaganap ang pag-iwas sa sunog sa buong lungsod ng Ilagan.
Mahalaga rin umano sa bawat mamamayan na mayroong kontak o numero ng kanilang himpilan upang sa ganon ay mas mabilis nilang maagapan ang sunog kung agad nila itong maipaalam sa kanilang himpilan.
Hinihikayat din ni FSI Tabingo na Makipagtulungan bawat isa sa sa kanilang adbokasiya para sa ikaliligtas ng buong sambayanan.
Sunog sa City of Ilagan, Dumami Kumpara Noong Nakaraang Taon!
Facebook Comments