Sunog, sumiklab sa barracks ng INC sa Barangay Culiat sa Quezon City

121

Umabot ng halos mahigit isang oras ang pag-apula ng apoy matapos masunog ang barracks ng Iglesia ni Cristo (INC) na itinayo sa Barangay Culiat, Quezon City.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Quezon City (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas-10:25 kaninang umaga, kung saan agad na idineklara ang unang alarma.


Pasado alas-11:25 nang ideklarang fire under control ang nasabing sunog.

Idineklara naman ng BFP Quezon City na fire out ang sunog pasado alas-11:45 ng umaga.

Maliban sa nadamay na bahay, wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.



Facebook Comments