Sunog, sumiklab sa Tondo, Maynila

Isang residential area ang kasalukuyang nasusunog sa Tondo, Maynila.

Partikular sa Gate 62 Parola Compound.

Nagsimula ang sunog ng alas-4:30 ng umaga kung saan mabilis kumalat ang apoy dahil pawang mga light materials ang mga bahay.


Makalipas ang anim na minuto ay itinaas na ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila ang sunog sa ikalawang alarma.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog habang ang ilang mga residente ay sinisikap na maisalba ang ilan nilang kagamitan.

Facebook Comments