SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA BAYAN NG CABATUAN

Isinagawa na ang groundbreaking ceremony ng itatayong Super Health Center sa Barangay San Andres, Cabatuan, Isabela kamakailan.

Personal na dinaluhan ni Department of Health (DOH) Regional Director Dr. Amelita Pangilinan kasama si Development Management Officer IV (DMO IV) Val-Aaron Taguinin ang naturang aktibidad.

Nasa aktibidad din sina Cabatuan Mayor Bernardo A. Garcia Jr. at Dr. Ria Blanca Francisco ng Municipal Health Office.

Ang itatayong Super Health Center ay binubuo ng iba’t ibang pasilidad katulad ng birthing facility, pharmacy, at out-patient facility.

Ito rin ay mag-aalok ng iba’t ibang serbisyo tulad ng laboratory, dental services, Philhealth, at minor surgeries.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng mahigit P8 milyon sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng DOH.

Facebook Comments