Pilipinas, muling tinuring na best dive destination sa buong mundo

Nasungkit ng Pilipinas ang dalawang parangal na World’s Leading Dive Destination at ang Leading Beach Destination ngayong taon sa 29th World Travel Award (WTA) na ginanap sa Muscat, Oman.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, ang mga parangal na ito ay patunay na walang kapantay ang kagandahan ng ating bansa at ang natatanging pagtanggap ng mga mamamayang Pilipino sa mga turista.

Ito na ang ika-apat na taon na nasungkit ng Pilipinas ang mga nasabing pagkilala.


Samantala, nominado rin ang DOT sa World’s Leading Tourist Board ngayong taon gayundin ang Siargao bilang World’s Leading Island Destination at Intramuros bilang World’s Leading Tourist Attraction.

Facebook Comments