Quezon City – Ni-relieve na rin sa pwesto ni QCPD Director C/ Supt. Guillermo Eleazar ang supervisor ng pulis na umano’y protektor ng iligal na sabungan sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City.
Linggo nang umaga nang maaresto si SPO1 Jefer Sy Butawan at siyam na indibidwal habang nakatakas ang dalawa nitong kasamahang pulis.
Ayon kay Eleazar – ang pagkaka-relieve kay Insp. Felipe Tumibay bilang hepe ng station investigation and detective management section station 9 ay base na rin guidelines ng PNP sa ipinatutupad nitong internal cleansing.
Inilipat siya sa district headquarters support unit habang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo si Butawan.
Patuloy naman ang manhunt operation ng otoridad sa dalawa pang nakatakas na police officers.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558