Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) na may sapat na suplay ng gamot para sa COVID-19 sa bansa.
Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus dahil sa Delta variant.
Ayon kay Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nauna nang naglagay ng pondo ang pamahalaan sa mga ospital upang sila ay makapaghanda at makapag-imbak ng mga gamot na kakailanganin sa mga pasyente ng COVID-19.
Base sa inventories ng DOH, nananatili na may sapat na suplay ang mga ospital, bukod pa sa ibinabang pondo noong Miyerkules para madagdagan ang supplies.
Facebook Comments