Suplay ng gulay mula sa CAR, magpapatuloy sa gitna ng masamang panahon ayon sa DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang tuluy-tuloy na suplay ng gulay sa mga vegetable trading centers para sa Metro Manila at iba pang Rehiyon.

Ito’y sa gitna ng mga sagabal at madulas na daan bunga ng mga pag ulan bunsod ng pag-ulan.

Batay sa ulat ng Agribusiness and Marketing Assistance Division, may tinatayang 1,066 metric tons ng iba’t ibang klase ng highland vegetables ang nakarating na sa mga trading centers kahapon.


Partikular itong dinala sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center , La Trinidad Vegetable Trading Center, at Private Trading Centers.

Ayon kay DA-CAR OIC-Regional Executive Director Cameron Odsey, sa higit isang libong metriko tonelada ng gulay na umaabot sa 935 metric tons nito ay dinala sa NCR.

Facebook Comments