Nasa 1.5 million pesos ang kabuuang halaga ng mga naibahaging supplementary feeding ng DSWD sa 37 Child Development Centers (CDC) sa San Nicolas.
Nasa 607 na mga mag-aaral ang kabuuang bilang naman ng mga nabigyan.
Layon ng proyekto na mapabuti ang nutrisyon ng mga batang mag-aaral para magkaroon sila ng mas magandang konsentrasyon sa pang-akademikong aspekto.
Ipatutupad ito sa loob ng 120 na araw gamit ang once a day feeding arrangement.
Samantala, aktibo naman na nakilahok ang mga magulang para sa kalusugan at nutrisyon ng kanilang mga anak at mapanatili rin ito hanggang sa kanilang mga tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









