Nanatiling sapat ang supply ng bigas sa Western Visayas sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19.
Sinabi ni Regional Executive Director Remelyn R. Recoter na rice sufficient ang Western Visayas sa unang semester ng 2021 kung saan umaabot sa 138% ang rice sufficiency level ng Region 6.
Sa kabuuan, nangunguna ang probinsya ng Capiz sa Western Visayas na may 186.76% na sufficiency level, pumapangalawa ang Antique na may 181.17% pangatlo ang Iloilo Province na may 169.30%, at Guimaras na may 152. 48%.
Hindi naman naabot ng Aklan ang rice sufficiency na may 93.66% at Negros Occidental na may 87.19%.
Sa kabila nito mataas pa rin ang rice production ng Region 6 na umaabot sa 181, 600 metric tons ngayong taon.
Ayon kay Recoter ang Western Visayas ang may pinakamataas ng produksyon sa buong bansa.
Sa kabila ng pandemya itinuturing na saving grace ng ekonomiya ng Western Visayas sa sektor ng agrikultura.
Supply ng bigas sa Western Visayas, nananatiling sapat sa kabila ng pandemya
Facebook Comments