SUPPLY NG KARNENG BABOY SA CAUAYAN CITY, SAPAT PA RIN

Sapat pa rin ang supply ngayon ng karneng baboy dito sa Lungsod ng Cauayan kasabay ng pagdedeklara ng ASF Free sa Siyudad.

Sa ating panayam kay Dr. Ronald Dalauidao, City Veterinarian ng Lungsod ng Cauayan, unti-unti na aniyang bumabalik sa dating sigla ang industriya ng baboy sa lungsod dahil sa pagbubukas na ng Isabela sa paglabas at pasok ng mga ibinebentang baboy.

Dumarami rin aniya ang mga nabibiling baboy at produksyon ng slaughter house sa Lungsod dahil sa pagbaba ng presyo ng live weight sa halagang P180 per kilo mula sa dating presyo na mahigit P200.

Karamihan naman sa mga kinakatay ay nanggagaling sa mga karatig probinsya tulad ng Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac at mayroon ding galing sa Visayas.

Kumpiyansa rin si Dalauidao na ligtas mula sa ASF ang mga ibinebentang karne ng baboy sa palengke dahil dumaan naman ang mga ito sa slaughter house at mayroong mga kaukulang dokumento.

Facebook Comments