BLOODLETTING ACTIVITY, KASALUKUYANG ISINASAGAWA SA TOG 2

84
Inumpisahan na ang pagsasagawa ng bloodletting activity ng Tactical Operations Group (TOG) 2 sa ilalim ng pamumuno ni LtCol Sadiri Tabutol kasabay ng kanilang Pre-28th Founding Anniversary ngayong araw, Setyembre 26, 2022.

Katuwang rito ang Philippine Red Cross (PRC) Isabela sa pangunguna ni Ms. Josie Stephanie Cabrera, Head Administrator ng PRC Isabela.

Kabilang sa mga naimbitahang blood donors ay mula sa PNP Cauayan, Regional Training Center 2, Philippine Airforce Reservist, Kabalikat Civicom at Cauayan CV Eagles Club.

Target ng TOG 2 na makalikom ng 50 bags ng dugo bilang tulong para naman sa mga mangangailangan nito.

Ang nasabing aktibidad ay kasalukuyang isinasagawa sa Tactical Operations Group 2 4 Bay Hangar.

Facebook Comments