Supply ng relief goods para sa tatamaan ng bagyo, sapat ayon sa DSWD

Courtesy: Department of Social Welfare and Development | Facebook page

Tiniyak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang supply ng relief goods para sa mga lugar na posibleng tahakin ng binabantayang bagyo na nasa labas ng Pilipinas.

Mayroong international name ang bagyo na Mawar pero tatawagin itong Betty kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR.

Ayon sa DSWD, kabilang sa mga lugar kung saan inilagay o nag-preposition ng relief goods ay sa Cordillera Administrative Region o CAR kabilang ang Abra, Kalinga at Apayao.


Sa CAR, mayroong 16,355 na family food packs na naka-preposition.

Sa Region 1, iniinspeksyon na rin ang supply ng family food packs upang mapabilis na maipamahagi ang tulong.

Sa Visayas Region naman, nagsagawa na rin sila ng pre-disaster assessment kahit malayo pa ang bagyo.

Facebook Comments