Resignation ni PIA Director General Mon Cualoping, tinanggap na ni PCO Secretary Cheloy Garafil

Tinanggap ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang resignation na isinumite ni Philippine Information Agency o PIA Director General Mon Cualoping.

Noong April 4, 2023, naghain ng kanyang resignation si Cualoping at tinanggap aniya ito ni Secretary Garafil batay na rin sa ipinost mismo ng nagbitiw na Director General ng PIA.

Nakasaad din sa Facebook post ni Cualoping na ginawa nya ang pagbibitiw para magkaroon ng kalayaan si Secretary Garafil na makapamili ng sa tingin nito’y dapat na mamuno sa PIA.


Siniguro naman ni Cualoping ang isang smooth transition sa kanyang magiging successor at ito’y sa sandaling mag-anunsyo na ang Office of the President ng susunod na mamumuno sa PIA.

Si Cualoping ay nagsilbing assistant secretary sa PCO mula 2016 Hanggang 2020 at nagsilbi namang undersecretary at director general ng PIA mula noong 2020.

Facebook Comments