GAME THREE | Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen, muling magpapasiklaban

Manila, Philippines – Bubuhayin muli ngayong Easter Sunday ang bakbakan sa pagitan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots para sa game 3 ng best-of-seven final series ng PBA Philippine Cup.

Kapwa koponan ay tangan ang 1-win, 1-lose record.

Nangako ang Hotshots na sisikapin nila mabaligtad ang sitwasyon ng mga nalalabing laro ng finals.


Tiniyak naman ng SMB na hindi magre-relax at mahaba pa ang kanilang laban sa malakas na katunggali.

Magaganap ang game 3 mamayang alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments